Saturday, November 28, 2009

Running for Senator?

Disclaimer: Was sent to me. I'll forward it to as much people as I can.
Author: Unknown


GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS

ANG SARAP MAGING SENADOR!
Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago , marami ang tumatakbong Senador
dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan(kasama na siya)

Lumalabas na ang P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
milyun-milyong budget ng bawat senador... Kada buwan ay may Fixed Monthly
Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa
Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic
Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid
ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka pa kayo
kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign
Travel.. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga
resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee
Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga
Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite
dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado.
There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang
benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,
awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang
porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa
kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa
Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20
- 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador
simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang
pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, mara
ming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka pa kayo kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso
ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !

One of the reasons why the Philippines will never, ever get off the
ground...... ayon..... . kaya talagang mahirap ng umasenso ang bayan nating
Pilipinas - yung mismo nilang gobierno ninanakawan and kanilang kapuwa
Filipino at hindi pa iyan..... hindi pa sila nagbabayad ng buwis sa bansa -
kaya lahat ng kalyehon lubak-lubak at masyadong madumi at mababaho!!! Hindi
sila nahiya sa kanilang nakikita at makapal ang pagmumukha nila. Dapat sa
kanila pumunta lahat ng mahihirap. True Whistleblowers - this is what our
country needs.If there are no whistleblowers the country will never ever
prosper and will just sit in the sidelines watching with envy the prosperity
of the other southeast asian countries - look at Vietnam now, much more
progressive. ......while the rest of the Kayo po diyan nasa Middle East na
mga OFW, gumising na po tayo. Panahon na.

PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOW
THAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO ARE GREEDY
IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE... ANG MASAKIT PA PERA NG
BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG SILA SA PWESTO!!!

No comments: